I Love You Because...

Reasons why. Kelangan pa ba ng reasons? Hindi :) Pero siyempre, alam ko namang matutuwa ka kapag nabasa mo 'to :)

and these are the reasons why i love you. "because" not "despite". yan ang natutunan ko nung second year :) how to love a person because of his perfect and imperfect traits, not despite of these. :>

1. I love you because para kang bata, ang kulit kulit :D
2. I love you because ang bading bading mo :) Super fun kasama, kahit para sa iba nakakturn off :)
3. I love you because ang hot mo pag nagagalit :> pero wag ka nang magalit sakin. Sakanila nalang :))
4. I love you because you feed me :D hindi mo ako sinasabihan ng "ang taba mo!" or "magdiet ka nga!" or "takte inuubos mo na pera ko sa pagkain mo!" :D
5. And I love you because sinasabayan mo ako sa pagkain ko :D:D:D
6. I love you because binibigay mo yung gusto ko kahit kadalasan, labag sa kalooban mo >:]
7. I love you because kahit gusto mo akong baguhin, I that it is all to make me, and to make us better :)
8. I love you because and cheesy cheesy mo. Nahawa tuloy ako =))
9. I love you because you make me feel better kapag down na down ako.
10. I love you because you always make me laugh when I'm depressed, kahit magmukha ka pang gago :) Katulad nung umiyak ako dahil sa Vision, and kinwento mo pa yung embarassing experience mong makatulog at madrawingan ng titi sa noo =))
11. I love you because kahit ayaw mo ng sine, sinamahan mo akong manood ng My Amnesia Girl :>
12. I love you because you always raise me up and encourage me to do the things I love :)
13. I love you because ang sexy ng boses mo kapag kumakanta, lalo na ng "If You're not the One" super natamaan talaga ako nung kinanta mo yun =)) HAHAHA.
14. I love you because NAGIGITARA KA. Isa yun sa standards ko sa isang lalaki :)) pero ngayon nonexistent na yung mga standards na yun. Basta ikaw :)
15. I love you because natutuwa akong makita ka doing what you love- yung pagbabanda. Sobrang mahal na mahal mo ito, and binubuhos mo talaga efforts mo dito.
16. I love you because you make everyone else around you so happy, and you touch many lives :) kahit ikaw pa yung masasaktan. Lakas mo pala eh =))
17. I love you because kapag sinusumpong ako, pinagbibigyan mo naman ako xD
18. I love you because para kang baby pag naglalambing :D HAHA. akala mo naman cute ka :> joke lang >:D<
19. I love you because you're not afraid to look stupid just to make me happy :D
20. I love you because kahit gabi na and feeling mong may possibility nang mamatay ka sa sobrang late na, hinahatid mo pa rin ako pauwi :>
21. I love you because of the way you smile. :)
22. I love you because dinadala mo lagi yung bag kong mabigat at sakin mo pinapadala yung bag mong magaan. Kahit minsan pinipilit lang kita, natotouch pa rin ako :)
23. I love you because hindi mo ako iniwan at sinukuan sa aking pagkabusy sa Vision :D
24. I love you because binili mo yung shirt na ginawa ko!!! :)
25. I love you because super dali mong mapasaya. Ang I'm sooooo happy tuwing nakikita kang natutuwa :D
26. I love you because I fell in love with your family na din :D
27. I love you because minsan you're gay, and I like it =))
28. I love you because you make me feel unafraid of anything :D
29. I love you because you always consider kung ano iisipin ng mom ko, ng tita ko, ng lola ko. Pinapaalala mo sa akin yung mga tama at mali sa buhay ko. :]
30. I love you because kahit kuripot ka, kapag nagkaroon ka naman ng pera, lagi kang nanlilibre :D
31. I love you because you're so protective over girls. Kahit hindi ako, gusto mong alagaan and ihatid lalo na kapag gabi :D
32. I love you because parehas tayo ng pag-iisip. Katulad nung caveman, nung alien, ayun :D
33. I love you because ang hilig mong mangasar :D
34. I love you because kahit sa mga maliliit lang ng accomplishments and other stuff, kayang kaya mo nang ipagmalaki :) I love you for that :D
35. I love you because sam with a heart yung name ko sa fone mo :>
36. I love you because natatandaan mo lagi na favorite ko ang root beer :D:D
37. I love you because religious ka :D and close kayo ni bro ;)
38. I love you because kahit ideny mo pa, ang galing mo magsulat ;)
39. I love you because magaling ka ring mambibigkas :D nakakainlove shet =))
40. I love you because pinagbibigyan mo ang mga kababawan ko xD
41. I love you because kahit pagod ka na, pinagbibigyan mo ako and pinapatulog mo ako sa shoulders mo kapag hinahatid mo ako :]
42. I love you because lagi mo akong sinasamahan :) kahit na sugurin pa natin ang Bagyong Juan at maging mga basang sisiw tayo sa SM :D
43. I love you because you always want the best for me :>
44. I love you because malandi ka, at pangit ako diba? =)))))) HAHAHA
45. I love you because





97. I love you because you helped me become better through encouraging words and your never-ending support :D
98. I love you because you taught me how to be stronger.
99. I love you because you accepted me for who I am :D Kahit na marami akong traits na ayaw mo xD
100. I love you because ikaw si John Rey Enjambre Burce, ang you're the perfect and the one and only guy for me <3 thanks for everything :)

ITUTULOY PA :D

Ipagsisigawan ko sa buong mundo

na mahal kita :D

Ikaw na. Ikaw na ang pinaka-imbang nakilala ko sa buong buhay ko.

Simula noong araw na umapak ako sa Maksay, kilala na kita. Sa listahan ko ng mga mayayabang sa batch, basta isa ka na doon. Habang tumatagal, nakilala kita, pero hindi naman tayo naging malapit. Kahit papano, napagtanto kong mabuting tao ka naman. Liniligawan mo pa ang isa kong kaibigan noon, at naging masama ulit ang paningin ko sa iyo nang masaktan siya sa ginawa mo (malandi ka kasi :D). Noong nakaraang bakasyon naman, lagi na kayong pumupunta ni Valjean sa bahay ko para makikain at mambur. Pero kahit kailan, hindi ko talaga inakalang magkakagusto ako sa iyo.

Flash forward.

Ngayon, nasa tabi kita. Pero siyempre, hindi talaga ngayon kasi hello, 11:02PM na kaya, naglalaway ka na sa itim niyong sofa. Pero okay lang yun, alam ko namang ako pinapanaginipan mo :P. Sabi nga nung kanta, hindi naman ako yung tipong niloloko, at hindi naman ikaw yung tipong nagseseryoso. Teka, wag ka muna magreklamo, dati yun, hindi ko naman alam dati na seryoso ka pala sa buhay. Parang hindi kasi eh. Parang joke.

Pero hindi mo ako linoko. At oo, seryoso ka nga. Sobrang sarap sa pakiramdam na mahalin ka, at maging laman din ng puso mo. Kahit ang corny talaga nating dalawa, okay lang. Nagmamahalan naman :> ayiee

Nagsimula naman talaga ang lahat sa Vision eh, kahit GRABE ang stress na nadulot nito. Pero naniniwala ako na ang purpose talaga ng pagsali natin (well ako 'sumali' at ikaw, 'napasali' lakas mo kasi kay boss eh :D diba? hahaha :D)sa Vision ay para makilala natin ang isa't isa. Kailangan kita sa buhay ko, kailangan mo din naman sana ako :D. Noong una, tuwing naghuhugas tayo ng mababantot na pinggan, nanlalandi ka palang. Pero habang lumalaki ang tambak ng maduduming pinggang kailangang hugasan, lumalalim din ang pagtingin ko sa iyo. :> Pero siyempre, sa akin lang yun dati. Nakakahiya naman aminin kasi ikaw nga, sa akala ko noon, yung tipong "manloloko" lang...

Pero isang beses, nang hinugasan natin yung mongkok na pinaglagyan daw ng Nilaga (na akala nating SINIGANG dahil sa sobrang tagal ng pagkatambak 0_0) tinanong mo ako.

"Pa'no kung seryoso na ako?"

Pa'no nga ba? Siyempre kinilig ako :D At sinamahan mo pa ako pauwi nun, napatunayan mong kailangan nga kita sa mga delikadong panahong ito ng buhay ko. Pero di ko na napigilan at napaamin din ako sa iyo. Boom.

At ngayon ulit. Hindi mo alam kung gaano ka kakaiba sa lahat ng dati kong minahal. Masasabi mong malaki talaga ang binago mo sa akin. Una sa lahat, hindi ako nag-expect sa'yo, kaya sobrang napasaya talaga ako sa lahat ng pinaggagagawa mo. At noon, inaamin ko, marami akong gusto, pero ngayon sa'yo, basta't makita kong nagmamahalan tayo, solve na ko :>

Dati naman, nagboblog din ako tungkol sa kanya. Pero ngayon talaga, sobrang natural. Lahat ng nararamdaman ko sobrang totoo na talaga. Wag mo na kong iwan. Mahirap maghanap ng isa pang John Rey Burce sa mundo, bihira lang kayo sa buhay ko :)

Marami akong first time kasama ka, mga unexpected na bagay tulad ng pagpadpad natin kung san san sa Metro Manila. Pero isa na sa mga first time ko ang pag-iyak. Sa'yo lang ako umiyak. Dahil sa sobrang lungkot. Dahil sa sobrang tuwa. Salamat dahil sa tinagal tagal ng panahong naging bato yung puso ko, binuhay mo na kahit papano. Nakakaramdam na ako, at para sa'yo lahat ng ibubuga nito. :)

Sige, ako na ang corny. Pero kakaiba ka talaga. Kasi ngayon, ngayong gabi ko napagtantong may deadline din ang lahat ng bagay na magaganda, lalo naman sa buhay ko. Lahat na ata ng tao, iniwan ako...

Ang pinagkaiba natin sa isa't isa ay ang mga paniniwala natin. Alam kong sa college, gusto mong mag-aral sa ibang bansa, kundi nama'y sa malayong lugar, samantalang ang buhay ko pagka-graduate ay umiikot nalang sa mga university na pinangarap ko na rin. In short, hindi naman talaga tayo magsasama sa college. Hindi ko lang masabi sa'yo yung lungkot nung kinekwento mo ang pagnanais mong mangibang bansa. Ngayon, hanggang March nalang siguro ikaw mapapasakin. Pero kahit alam kong darating din ang ating paghihiwalay, mamahalin kita hangga't di pa dumadating ang araw na iyon.

Gusto kitang makitang may sinabi sa buhay. Gusto ko maging magaling kang kahit ano, basta't pinupusuan mo ito at mahal mo ang ginagagawa mo. Gusto kong suportahan ka, anuman maging desisyon mo. Gusto kong maging yung taong tumulong sa'yo upang maabot mo mga pangarap mo. Sana ako yung katabi mo pag nangyari lahat ng yun. Pero, ano ba yan, umaasa ako sa wala. Dito lang ako eh, magkakahiwalay talaga landas natin. Pero ngayon, habang parehas pa tayo ng biyahe, kapit ka lang sakin ha? Wag ka munang bibitaw... Tumalon ako para sa'yo at sobrang saya ko pa sa aking paglipad, kaya sana, huwag muna akong mahulog sa malamig na lupa ng katotohanan. Paliparin mo muna ako, kahit kaunting panahon nalang. Alam kong suntok sa buwan, pero sana pakinggan ulit ng langit yung hiling ko, sana malakas pa rin ako sa kanila, kahit dito lang... Sa akin ka muna... Sa akin ka nalang...