Salamin

Nagsimula ang lahat sa inosenteng salamin ko na pinahiram ko sa kanya. Nasira niya (bwiset xD) kaya ngayong guilty siya. Malabo na kasi ang vision niya kaya naawa naman ako, pero biglang ganon eh :)) Speaking of Vision...

Ayun na, sunod sunod na simula nun. Sa Vision lagi kaming magkasama. Pero wala lang sakin yun, kasi alam ko namang close siya sa babae eh.

Nagbaguio ako at nainlove all over again ako. Ang ganda talaga doon. Bigla kong naisip na sa ganung lugar, nanaisin mo talagang may makasama ka pag ganon kaganda yung mga tanawin. Bigla ko siyang naisip.

Pagbalik galing Baguio, cheerdance na. Dahil gabi na masyado, hinahatid na niya ako. Marami kaming napaguusapan lagi, at eventually. Ayun, parang nabagok yung ulo ko sa konkreto pagkatapos mahulog =))

May subsection ang blog entry na 'to. Eto na

Mga kwentong bus

#1 "I killed a policeman yesterday for not arresting a man who was smoking. I could kill you now" At binugbog niya yung lalaking nasa likod ko. Buti nalang di ako naninigarilyo :)) Ang daming baliw sa bus. GG. Badtrip :))

#2 Naghahalikan sila tapos biglang magsskandalo at magaaway ng malakas. Parang ewan lang.

#3 Nanakawan siya :( At naguilty tuloy ako. Nagdilim paningin niya nung lumabas sa bus yung magnanakaw. Pero buti nalang yun lang yung nangyari.

At dahil sa mga yan, feeling ko tuloy ang tagal na nating magkakilala. Alam kong 'di pa tama ngayon, alam ng lahat yun. Pero 'di mo alam yung nararamdaman ko, at siguro advantage ko na rin yun, kasi alam ko naman kung ano ang tingin mo sa akin. Tingnan nalang natin kung nararapat ba talaga 'to mangyari. Pag tama na yung panahon, sana nga maging okay ang lahat :)

Ang masarap talaga sa pakiramdam is I feel safe when I'm with you. Parang bigla kong nafeel na mahalaga ulit ako sa mata ng ibang tao. Naramdaman kong I'm one less lonely girl :)) Comfortable akong kasama ka, and masaya ako. Basta yun lang alam ko :)

Alarm clock ka ba? sapagkat ginising mo ang natutulog kong puso

Pagkatapos nga naman ng matagal na panahon, dumating ka sa buhay ko. Siguro, may purpose talaga yun. Di mo lang alam pero kinikilig talaga ako =)) HAHA

Alam kong maraming ayaw na mangyari 'to. Maski ako, nung una, pinigilan ko. Pero 'di talaga eh. Go signal talaga binibigay ni God :)) Mahalaga ka sakin. Ayaw ng mga kaibigan ko pero wala akong pakialam. Maiintindihan naman nila kung totoo nila akong kaibigan eh. :)

So thank you talaga sa lahat ng ginawa mo. Kahit sinira mo salamin ko :P

Leshe

Matagal ko nang gustong magblog, sadyang sobrang busy lang talaga ng buhay senior. Contest, training, at kung anu-ano pa, pero masaya. Lecheng intrams shirt at lecheng mga sakit na nagsusulputan sa mga players namin, pero masaya. Lecheng mga tsismis, pero masaya. Eto na, binubuhay ko na talaga blog ko :D

Di ko rin mapagtanto kung bakit trip ko magtagalog ngayon, basta ganun. Una sa lahat, ayun nga, ang daming ginagawa. Vision meetings tuwing tuesday at thursday, at oo, mas masaya talaga siya sa journ class kasi mas konti kami and therefore mas okay sa olrayt ang learning experience. Strict si sir Escote kaya disiplinado rin naman kami kahit papano. Alam kong maraming times na siyang bad trip ngayon kaya sobrang taray niya samin minsan and ang dami ko nang mga kasalanan according to him. Alam ko namang bukod sa pagkukulang ko, marami na akong nagawang di man lang niya napahalagahan. Pero alam kong marami rin talaga akong 'di nagawa (yun yun eh :))
. Masaya rin tumayo pag 'di nakasagot, tulad ko. Basta alam ko bagong anyo ng buhay ang ibig sabihin ng "banyuhay" oha :)

Bukod sa Vision, may SSG. Diyusko, may sermon kami bukas, bakit nanaman kaya? Gagawa pa pala ng Legion for October :> and WTO celebration! Kaya yon :))

Bukod din dun, siyempre may cheering. Nung first week palang, excited na talaga ako. Ewan ko ba kung bakit, pero pag nagsasayaw ako parang nawawala lahat ng problema ko at mga naiisip ko. Parang sa bawat count ng 1-8 at 8-1 (pero hindi kasi 5,6,2,1 xtian eh xD) nakakalimutan ko lahat ng inaalala ko. Kasi ganito 'yon - simula nung nag4th year ako sobrang umiral na sa katauhan ko yung katamaran. Hindi naman sa ginusto ko, siyempre pag may kailangan ipasang requirements magpapasa ako kahit papano. Pero somehow, maraming nawala sa akin ngayong 4th year. Nawala yung takot ko (ano yun Sam?) Para bang, kahit di ko gawin yung ganito at ganyan na kailangan sa ganyang subject, 'di ako nangangamba. At nawala yung motivation ko at respeto ko sa pag-aaral. Hindi, hindi ko sinasabing nawalan ako ng respeto sa teachers, bongga nga mga 4th year teachers eh. Pero sa kung anumang dahilan, wala na akong nakikitang halaga sa pag-aaral ng mga alpha beta gamma rays at ng l'alphabet. Sa mga mata ko, nagiging unnecessary na yung mga yun sa totoong "education" ng buhay.

Sabi nga ni Sir Escote "at the end of the day, grades pa rin ang importante kesa sa extra curricular activities" pagkatapos ako pagalitan kasi ang dami ko na raw sinalihan. I beg to differ. At the end of the day, siguro maybe sorta it's the grade that matters. PERO pag matanda na ko, gusto ko babalikan ko ang mga alaala ng high school na punong puno ng saya at pagsubok ng mga bago. Ayokong magkaroon ng kahit isang regret of not trying. Mas okay na yung pagsisihan ko yung isang bagay pagkatapos ko siyang magawa, kaysa pagsisihan ko ang isang bagay na kahit kelan ay 'di ko sinubukan.

Balikan natin yung cheering :)) Ang ganda talaga. Bilib ako kay Jairah. Pati yung intermission number, best ever talaga :D

At salamat sa Vision, ako na rin ang head of recording ekek para sa intrams. Nakakatamad, ano ba alam ko sa sports bukod sa cheerdance =))

Kanina rin pala, kami ni Joyce and Ma'am Reyes ay nagtungong TIP para sa contest. Ako sa photoshop, si Joyce sa web design. Halimaw mga kalaban namin, private and public, buong NCR. Nanalo si Joyce, malupet eh :)) Pero ako hindi. Kahit na, para sa sarili ko naman panalo ako eh :)) Ang laking achievement kaya yung nakagawa ako ng poster sa PSCS3 out of scratch ;)

Intrams na bukas. Actually, mamaya, kasi madaling araw na ngayon. Naffeel ko siya sa totoo lang. Sana maayos, sana seniors pa rin ang bonggang bonggang panalo. Pero higit sa lahat, ang pangit lang talaga ng batch shirt.