December 17

Ha? That was so last year :P Pero dahil ako na ang dakilang tamad, ngayon palang ako gagawa ng blog tungkol dito. Yehey!

Tulad ng lahat ng magagandang storya, magsimula tayo sa mga nangyari bago ang araw na ito, kung baga, chapter one muna bago tayo mapadpad sa climax. Diba dibs? Ngunit bago ako magsimula, gusto ko lamang sabihin na ang December 17 din ay birthday ng aking nanay, kaya ma, kung nasaan ka man, happy birthday. Love you, miss you. :)

December 16.

At dahil nga, uulitin ko, ako ang dakilang tamad, ngayon ko lamang ginawa ang aking Christmas shopping! Galing ko noh? Isang araw bago ang Christmas party. Ayos. Ngayong araw ang Teachers Day at ako ang assigned sa paggawa ng video. Bagama't matagal na itong pinagawa sa akin, ngayong 3:30 ng umaga ko lamang ginawa. :)) Pumasok na ako sa Maksay ng 9:00 at sakto! Nagsimula na ang program. Bongga pa kasi nagsayaw pa ako at nag-Closing Remarks nang nakapang-bahay lang. ;) Matapos nito, halos mamatay na ako sa paglalakad ng aking papeles para sa Noli De Castro awards na hindi naman pala aabot sa deadline. Ang saya naman kasi ni Ma'am Javier, na ininform ako isang araw bago ang due date. At pagkatapos ng aking walang katuturang paghihirap, nakasama ko si Burce, si Jao, at si Ersahad patungong Glorietta para mamili ng mga regalo kasama ng aking mga kaibigang tamad din na sina Monica at Denise. Great minds think alike =)) at pare-parehas din naman kaming nagcramming session nun.

Naghiwalay na kami. Boys vs. Girls na. Pero ang totoo, nagsolo ako kasi ang hirap mamili kung hindi kayo maghihiwa-hiwalay. Nakakapagod ng bongga, pero ayos lang kasi sa dulo ng araw, kasama ko siya. :> Mula 8 pm hanggang 11:30...... (itutuloy xD naglalag ang pc)

0 comments:

Post a Comment