Ang Pag-ibig ayon sa akin.

Marahil ay sukang suka na ang blog na ito sa mga post kong nilalanggam na. Puro nalang tungkol sa love. Kung ikaw ay isang intelektwal na tao, hindi ka na mag-aaksaya ng panahon para basahin pa ito. Ngunit sa aking buhay, napagtanto kong ang pag-ibig ay isa sa mga pinakamahirap na intindihin at pag-aralang asignatura, isa sa mga pinakamahirap na sabayang mga kanta, ang kaisa-isang melodyang pilit na nilalapatan ng iba't ibang lirika ng mga tao simula pa noong unang panahon. Ano nga ba ito? Oo, nakikita ko sa kung saan saan ang kahulugan ng pag-ibig para sa karamihan. At nakikita ko rin na isa lamang ang nadatnang konklusyon-"that it is simply unexplainable." Pero iba ang pakiramdam kapag naranasan mo talaga ito. Nagdudulot ng matinding katuwaan, matinding kalungkutan, at sakit sa ulo.

Siguro rin ay wala akong karapatan para ihayag ang sarili kong opinyon, hindi ko nga naman alam kung ang nararanasan ko ngayon ay pag-ibig talaga. Pero hindi ko na kayang ipitin sa loob ang nararamdaman ko. Ang mga paghihirap, ang mga masasayang karanasan, ang lahat lahat ng matitinding bagay ay naranasan ko nang dahil dito. Hindi ko na kayang ikimkim pa ang mga damdaming ito. Kaya ito ang pag-ibig para sa akin.






Tama nga sila. "It is simply unexplainable." At hindi ko na susubukin pa ang isang imposibleng bagay. Lulubusin ko na lang itong "damdaming" tinuturing kong "pag-ibig" :)

0 comments:

Post a Comment