YES!

Pag nabasa niyo yung title ng blog ko, as in pasigaw niyo sabihin with matching emotions ha. Ang kahulugan niyang malaking YES! na yan is equal to “YES! Natapos ko rin ang 50-item homework sa Math 18! WOOHOO!”

Pero isang bahagi lang yan ng bago kong college life. Pwede na mag-cut. Pwede na magsuot ng kahit anong gusto mo (kahit may “dress code” daw sabi ng teachers). Pwede nang hindi tumayo kapag nagrecite. Pwede nang maki-wi-fi kahit saan. Pwede nang kumain sa study hall na may aircon. Masaya talaga. Medyo hindi ako nahirapan mag-adjust. Ang mahirap lang, well, mahirap talaga. Lalo na math. Siyempre, ang course ko applied math, kaya madugo talaga. Pero yung ibang subjects, madali PA naman. Nakakagulat lang, isang linggo pa lang pala ang pasukan, pero pakiramdam ko, isang buwan na.

Mas ginaganahan din akong mag-aral dito, kasi pakiramdam ko may saysay na finally ang mga lessons sa future namin. Di katulad noong high school na basta may maibigay lang na homework sila sir toot at sila ma’am toot, go lang ng go. Iba talaga feeling. Kaya mas gaganahan ka talagang magseryoso. At siyempre, kailangan ko talaga magseryoso kundi, bye scholarship.

Gusto ko rin matutunang mailapit yung puso ko kay God. Relihiyoso daw ang mga Atenista, kaya sana marami rin akong matutunan tungkol sa Kanya. Nakakapansisi kasi, noong high school, napalayo talaga ang loob ko sa relihiyon. Tulungan niyo akong maging banal!

Na-blog mode tuloy ako. Natutuwa ako na nasa puso ko talaga ang pag-aaral ng kursong pinili ko. At mas natutuwa naman ako sa University na pinili ko. Happiness! Tralala.

Proud Atenista na talaga ako. :D

P.S. Hindi Arrreneo. Hindi maarteng conyo stereotype ang lahat ng tao dito. Like, tingnan niyo me, I’m nagtatagalog pa rin naman diba? :))) jk.

0 comments:

Post a Comment