Kanina ko pa binago password ko. :D
]
At habang ika'y busy sa papelblog.com, andito ako, pinagmamasdan ka. :) Sana hindi ka na magalit, nabago ko na po. :-*
(dagdag)
Hay. Eto nanaman, nagtatampo. Buti na lang mahal kita. =)))))
Hindi alam :>
Move to the rhythm of love
At dahil naeexperience ko ang writer's block, hindi ako makagawa ng maayos na articles para sa the Vision. Dahil na rin ako ay topak mode na nagtatagalog blog katulad ng last year kong gawi, nabobobo na ako sa English. Kaya para hindi na magtampo si sir sa akin, susubukan ko nang ibalik ang english self ko, pawang makabuti ito para sa aking journalism performance xD
(English mode on)
Our fourth and final year has been moving way to fast, at least for me, and yet, I am already looking forward to throwing our caps during graduation and leaving for college. I'm tired of our everyday routine, where teachers play "teach" and we learn nothing - or is it just me? Since the start of the year, I haven't taken studying seriously anymore. I gained a new perspective on learning - that we don't have to memorize pages of notes (which we will eventually forget after that long test) and we don't have to exert effort on the things that won't matter in the future. That's it - about 90% of what we learn in high school won't be from our "classes", and around 100% of what we learn in "classes" will soon be forgotten. :D
And yes, it is a bit disappointing that I am going to say goodbye to my spot in the top 20. I know I've disappointed more people, especially those who pushed me to excel. I know I could do it, I just don't see the point in tiring myself amid the cheaters and the grade-conscious. Grades aren't everything. They never were. Maybe studying was really just an excuse, but it doesn't yield us the things that matter. And I see some of my classmates and the way they act - as if grades are their lives (Oh yes. Einstein. :|) And I tell myself that I never want to be the one who will regret high school because of that.
I'll tell you what matters. Doing the things you love. Being with the people you will surely miss after you walk one final time down the aisle with that framed, weightless paper. Now I'm half-expecting that things will all be smooth sailing, for the sake of it being my last year. But this has been my most dramatic year yet :>
I don't know what the rest of the year has in store for me. For all of us. All I know is that the year is already half-over and I still have a long list of things I haven't done. Let's make high school memorable. Magoover the bakod na ako! :)
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa aking pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba.
:)
Ngayon, kapiling kita. Oo, maraming nawala, maraming nagbago sa mundo ko, at bigla-biglaan lang nangyari ang lahat parang isang malamig na pagligo. Pero dahil ikaw yung kapalit ng mga pagbabagong iyon, sobra sobra pa ang swerte ko. :)
Pero hindi ko alam kung bakit. Lagi kang napapadpad sa isip ko. :)
Pagpasensyahan mo sana kung hindi ko kayang magseryoso kung minsan. Hindi naman ikaw yung tipong niloloko, at hindi naman ako yung tipong nagseseryoso... Pero para sa'yo, ako ay magbabago. :D
Medyo malakas topak ko ngayon. Pero basta, masaya ako, at oo, dahil sa'yo :D
Siguro, isang bagay nalang yung iniisip ng makulit kong pag-iisip. Iyon ang pagkakaiba ng mga paniniwala natin. Ako yung tipong gustong maabot ang mga pangarap, gusto ng magandang buhay, at ikaw naman ang lalaking nakatingin sa abot-tanaw, hindi na naghihirap pa, hindi tumitingala sa himpapawid na kayang kaya mo namang abutin. Pero walang tama, at walang mali sa mga paniniwala natin. Sadyang magkaiba lang talaga. Tanggap ko naman ito, pero inaalala ko lang na baka sa dulo, dito tayo magtalo.
Hindi na kita hihikayatin, alam kong praktikal ang mga dahilan mo para sa sarili mong mga kagustuhan sa buhay. At hindi rin kita tinutulak para abutin ang magbibigay lamang sa'yo ng pagod at hirap. Pero sana'y mapatawad mo ako, kasi natural lang para sakin na mag-alala tungkol sa ganito. :)
Ang bilis ng pangyayari talaga. Dati, linoloko mo pa ako tungkol sa hinaharap. Ngayon, iniisip ko na rin siya. :D
Sige, dahan-dahanin nalang natin yung paglalakad natin dito. Ayokong magmadali. Susuportahan kita, at sana bigyan mo rin ng tiwala ang sarili mo. Kung gusto mo ang BEST para sa akin, gusto ko rin ito para sa iyo. Sana wag mong masamain :) Ikaw lang naman kasi iniisip ko eh :P
Maaari bang pakinggan ang isang hiling?
Dear God,
Alam kong marami akong pagkukulang sa mga taong minahal ako. Sa kabila ng mga pagsubok ng buhay, andiyan pa rin sila, handang sumalo sakin sa aking pagtumba. Pero alam ko, kulang ako sa pagpaparamdam, na parang hindi ko sila pinapahalagahan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tuwing nakikita ko sila, nakangiti sa minsanang sandaling nakikita nila ulit ako, bumabalik din ang lahat ng lungkot ng mga alaalang nagtulak sa akin kung nasaan ako ngayon. Ang pinakamahirap tanggapin para sa akin ay ang pagtatago nito. Ang pangyayaring nagtulak sa aking desisyon ay hindi kahit kailan malalaman ng mga mahal ko sa buhay, para na rin sa katahimikan nila. At kung maaari lang, iiwan ko ang lahat ng alam ko sa mundong ito, kakalimutan, at mabubuhay ng payapa muli. Pero gawain iyon ng isang walang kwenta at duwag na anak. Kailangan ko silang alagaan, alam ko. Kailangan ko silang bisitahin at mahalin, alam ko. Mahal na mahal ko sila, pero hindi sapat ang pagmamahal para mapawi lahat ng lungkot at takot sa puso ko.
Kaya ngayon ako ay humihiling. Humihiling para sa pinakamamahal kong kapatid na si Kathleen. Tuwing nakikita ko ang litrato niya, gusto ko siyang alagaan, araw at gabi. Hinihiling tuwing ako'y nalulungkot na sana andito siya sa tabi ko, pupukpukin ang ulo ko at sasabihan ako ng mga nakakatuwang bagay. Gusto ko siyang nakawin at dalhin dito, kung saan ko siya makakasama lagi. O kaya magsariling kusa siyang maglayas doon sa tahanang walang binigay sa akin kung hindi galit, lungkot, kawalanghiyaan, at dumeretso sa kinaroroonan ko. Sana, sa kung anumang desisyon ng tadhana, balang araw ay matikman ko ang sarap ng buhay na kasama siya. Ipinapangako kong kapag siya man ay napunta sa aking pag-aalaga, hinding hindi ko na siya pakakawalan. Hindi na ako ang dating duwag na, kasabay ng pag-iwan sa sakit ng sikretong nakaraan, iniwan ko rin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Wala akong kwenta. Wala akong pag-iisip. Ngunit nangyari na, at wala na akong magagawa. Hindi ko rin naman masasabing pinagsisisihan ko ang desisyon ko, sapagkat ngayon, nakuha ko ang gusto ko - isang payapang buhay.
Sana patawarin Mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. Sinarado ko ang mga pintuang nag-uugnay sa akin at sa masalimuot na nakaraan, pero kasabay nito ang pagsarado ko rin sa pintuan ng aking mga minamahal sa buhay. Tulungan Niyo ako para itama ang libu-libo kong pagkakamali. Tulungan Niyo akong maayos ang mga maling desisyon na napili ko.
At sana, alagaan Mo siya ng lubos lubos, isang bagay na hindi ko nagawa sa buhay niya.
If you wanna leave I can guarantee, you will find nobody else like me
Sembreak na hindi.
Para san pa ang 10 days of supposed freedom kung puro presswork lang din at practice para sa math jingle. Pero siyempre, ganun talaga, busy na kung busy. And besides, kaming mathsoc naman talaga ang may pakana ng math jingle eh :P haha. Excited na ako para sa math week! At atat na atat na rin akong matapos ang lahat ng articles para sa Vision. Pero hindi naman talaga 'yun ang dahilan para sa blog na 'to.
Sabaw sa utak ang ustet at dlsucet lalo na kung sa isang araw lang kinuha. Salamat nga pala kasi hinatid at inintay mo pa ako sa ustet :) Habang kasama kita mula ust hanggang la salle, nag-ugap tayo at nakipagdeal ka. Nakakainis yang deal mo, sakit sa ulo. xP pero sige, may point ka rin naman. Tingnan lang natin kung kaya natin :P.
Unti unti nang nahuhulog eh :> Pero ang maganda ngayon, sabay tayo ng takbo, walang labis, walang talo. Hindi pa ako nababaliw sa'yo, tama lang :) At habang tumatagal, mas minamahal din kita. Tulad nga ng paglaglag sakin ni thea, swerte nga ako sa'yo :) Oo inaamin ko, medyo nagselos ako kasi sa araw na yun, kayo magkasama eh :D Pero normal lang yun, namiss lang naman kita :D And may tiwala ako sa'yo, sobra sobra ;p Alam ko paulit ulit, pero 'di kasi ako makagetover. Parang ngayon kasi, ang ayos ng mundo ko.
Tama ka sa sinabi mo, na ang purpose mo sa buhay ko ay para protektahan at alagaan ako. Iniisip ko na ang sarili kong umuuwi gabi-gabi ng mag-isa, siguro kung 'di kita kasama lumagpas na ko sa boundary ng Sucat kasi nakatulog na ko, o kaya nawala wala na ko nung binalak kong sumakay sa Mantrade. Pero may purpose din ako sa buhay mo, yun ay para malaman mo na may isang taong magpapahalaga at iintindi sa'yo tulad ng pagpapahalaga mo sa kanya. Sana lagi kitang napapasaya kapag kasama mo ako :) Yun na nga lang silbi ko eh, hindi naman ako pwede makipagbugbugan sa mga aaway sa'yo :P hahaha.
Namimiss na kita. :) Pero kailangan ko na tapusin 'tong blog na 'to kasi ooperahan na ko. 2:00 na!! :o
Because I heard the big crowd say
The words from pages of a broken book
My lost heart was led astray
From the path I should have took
The spells were vivid, loud, and clear
But still invisible from the light ahead
Fear was gone where courage stood
Strike the rivers, my devil said
I kept on searching for the cause
I wept out loud on my wee scars
But still I treaded the path to fight
I’d leap on darkness and make it cry
In the end my words were good
But the rivers flooded out the truth
My feet stayed firm on solid ground
My heart at peace with what I’ve found
Take me there
Simula nung nakilala kita, bumilis ikot ng mundo ko. Sa bawat liko ng buhay ko, malalaman ko na lang na ang nasa kabilang dako ay isang pangyayaring hindi ko naman inasahan. Kakaibang pakiramdam sumugod sa ulan at magmukhang basang sisiw, habang titig na titig sainyo ang maraming tao. Masayang mawala sa lawton sa gitna ni bagyong Juan at nalaman mong ang convertible payong palang may halagang 94 pesos sa 7/11 ay naiwan sa bus. Napakasayang makakita ng isang lansangan kung saan may nagaganap na bugbugan, o di kaya'y isang magsyotang naglalampungan sa tabi niyo. Nakakabaliw magkaraoke pagkatapos magpaxerox, habang ang plano naman talaga ay maksci-uwi. Nakakaloka mapadpad sa di inaasahang lugar at impromptu na makilala ang mga mahal mo sa buhay. Oo, kung anu-ano na ang naranasan ko simula nung nakilala kita, pero hindi dahil naganap ang mga pangyayaring ito kaya ako natuwa, kundi dahil ikaw ang kasama ko sa mga panahong iyon. :D Kilig ka nanaman. Wag ka mag-alala, sa November 8 (simula ng Math Week!!) dadalhin ko laptop ko sa school, dun ka sa isang sulok, basahin mo blog ko. :D
Di mo lang alam, ang dami kong pinagbago sa'yo, pero ang mas ikinagulat ko pa ay kung gano ito naging napakadali para sa akin. Sa mga panahong ako'y nagmahal at nabigo, ubod ng selos yung looban ko. Pero bakit ganun? Sa'yo, walang kahirap hirap ang hindi ko pagselos. Kung sa bagay, sa dinami dami ng kaibigan mong babae, hindi mo ko kailanman binigyan ng dahilan para hindi ka pagkatiwalaan. :D Kilig ulit!
Pero bago ka kiligin ng husto, dito muna tayo sa usapang mmm. May mga mahalagang bagay na nawala sakin simula nung nahulog puso ko sa'yo (naks! kanina "simula nung nakilala kita" lang, tapos ngayon yan na :P Kilig!!! =)) Isa na rito, at ang pinakamahalaga dito, ay ang pagkakaibigan namin ni Mark. Alam kong diring diri kayo sa pagmumukha ng isa't isa, kulang nalang siguro magbugbugan kayo or magjiu jitsu. Pero siyempre, eto ako, pilit kayong pinagkakasundo. At sa huli, nangyari nga ang inaasahan. Malamang, hindi natupad yung world peace na inadvertise ko sainyo, at sa huli, isa na lamang akong alaala sa isipan niya. Binura na rin ako sa facebook. Kasi kahit matatag pagkakaibigan namin, bumitaw siya at hinayaan ko siya. Bakit? Kasi mas mahalaga ka sakin, at kailangan ko na siguro siyang hayaang maging masaya sa buhay na walang sam. :)
Isa pang pagsubok ay ang nakaraan mo. Pagdating sa respeto, ang taas ng binigay ko sakanya. Siyempre, kaibigan ko rin siya at alam kong mabaet siyang tao. Sa totoo nga'y natuwa talaga ako kasi nung nagchat kami, napakaopen pa niya kahit na ganun yung usapan namin (ano yung usapan? Secret na malupet! :)) Pero maya't maya, nalaman ko ang mga bagay na siyempre, kagulat gulat :o. Basta yun yun. Pero alam mo naman at alam ng lahat ng kaibigan ko na kahit kailan, hindi ko siya binackstab. Kahit kailan, hindi ko tinira ang kaisa-isang taong alam kong labis mong nasaktan (oo, sa away ninyong dalawa, ikaw yung gago :P) kasi alam ko pinagdaanan niya. Masakit, parang hindi na kakayanin. Siyempre, ganun ako dati. At ang mga status ko sa facebook ay para kay Mark, hindi sa kanya (wala, fyi lang :D). Hindi ako lumaban, ayoko ng away. Pero para sa mga kaibigan niya, ako ang kontrabida. Ako ang masama. Ako pa naman yung tipo ng taong pinahahalagahan ang opinyon ng iba, kaya sobra akong nasaktan sa mga ito. Kahit kelan talaga, hindi ko siya pinag-isipan ng masama. Sa totoo nga, ikaw pa yung inaaway at sinisisi ko noon diba? :P Hindi ko alam ang panig niya sa kwentong ito, pero kahit na rinerespeto ko pa rin siya, isa lang ang napatunayan ko- hindi siya mabaet. Lalong lalo na sakin.
Pero alam mo kung ano napagtanto ko? Na sa kabila ng lahat ng pagsubok, gusto ko andito ka sa tabi ko. Hindi tulad ng dati na ang mga minahal ko ay nakapagpaligaya sakin at nagawa akong mas mabuting tao, ngayon, gusto ko ako naman ang ganun sa'yo. Gusto kong malaman mong mahal kita, kahit hindi pa lubos lubos, oo mahal kita. At paunti-unti itong lumalaki. Naging mas mabuti akong tao sa kamay mo. Sabi nga ng Westlife, you bring out the best in me like no one else can do, that's why I'm by your side, that's why I love you. Lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko. Kasi tanggap mo ako bilang ako. Napagtanto ko din na bilang tao, amazing ka :) (teka lang putcha, pwede magEnglish break? :D) You have touched other people's lives so much without them even noticing. :D Kasi nakikita ko sa'yo ang sobra mong pagpapahalaga, at ang intensyon mong mapasaya ang ibang tao at maging isang indibidwal na hinding hindi nila malilimutan :P Nakakatouch na isa ka sa mga dahilan kung bakit nagtuturo pa rin si ma'am barro. Example lang yun :) At sa mga kaibigan mo, I'm proud to have you kasi nakikita ko na sobrang bait mong kaibigan sa kanila. Ipinapangako ko na sa relasyong ito (Kilig.) hindi ka talo :P Kung may mali man, mali nating dalawa yun. Kung may nakamit ka man, achievement nating dalawa yun. Para sweet. Para cool. :)
At ngayon, hindi ako makagetover :) Iniisip ko lahat ng adventures natin. Ang mga pasimpleng plano na school-bahay lang ay nauuwi sa kung saan-saan pa. Ang city count natin ngayon ay 7, at sana madagdagan pa ito. :) Sana hindi ka magsawa sa mga adventure nating unexpected. Alam kong mahal ang pamasahe. Pero mas mahal kita :>