Take me there

Simula nung nakilala kita, bumilis ikot ng mundo ko. Sa bawat liko ng buhay ko, malalaman ko na lang na ang nasa kabilang dako ay isang pangyayaring hindi ko naman inasahan. Kakaibang pakiramdam sumugod sa ulan at magmukhang basang sisiw, habang titig na titig sainyo ang maraming tao. Masayang mawala sa lawton sa gitna ni bagyong Juan at nalaman mong ang convertible payong palang may halagang 94 pesos sa 7/11 ay naiwan sa bus. Napakasayang makakita ng isang lansangan kung saan may nagaganap na bugbugan, o di kaya'y isang magsyotang naglalampungan sa tabi niyo. Nakakabaliw magkaraoke pagkatapos magpaxerox, habang ang plano naman talaga ay maksci-uwi. Nakakaloka mapadpad sa di inaasahang lugar at impromptu na makilala ang mga mahal mo sa buhay. Oo, kung anu-ano na ang naranasan ko simula nung nakilala kita, pero hindi dahil naganap ang mga pangyayaring ito kaya ako natuwa, kundi dahil ikaw ang kasama ko sa mga panahong iyon. :D Kilig ka nanaman. Wag ka mag-alala, sa November 8 (simula ng Math Week!!) dadalhin ko laptop ko sa school, dun ka sa isang sulok, basahin mo blog ko. :D

Di mo lang alam, ang dami kong pinagbago sa'yo, pero ang mas ikinagulat ko pa ay kung gano ito naging napakadali para sa akin. Sa mga panahong ako'y nagmahal at nabigo, ubod ng selos yung looban ko. Pero bakit ganun? Sa'yo, walang kahirap hirap ang hindi ko pagselos. Kung sa bagay, sa dinami dami ng kaibigan mong babae, hindi mo ko kailanman binigyan ng dahilan para hindi ka pagkatiwalaan. :D Kilig ulit!

Pero bago ka kiligin ng husto, dito muna tayo sa usapang mmm. May mga mahalagang bagay na nawala sakin simula nung nahulog puso ko sa'yo (naks! kanina "simula nung nakilala kita" lang, tapos ngayon yan na :P Kilig!!! =)) Isa na rito, at ang pinakamahalaga dito, ay ang pagkakaibigan namin ni Mark. Alam kong diring diri kayo sa pagmumukha ng isa't isa, kulang nalang siguro magbugbugan kayo or magjiu jitsu. Pero siyempre, eto ako, pilit kayong pinagkakasundo. At sa huli, nangyari nga ang inaasahan. Malamang, hindi natupad yung world peace na inadvertise ko sainyo, at sa huli, isa na lamang akong alaala sa isipan niya. Binura na rin ako sa facebook. Kasi kahit matatag pagkakaibigan namin, bumitaw siya at hinayaan ko siya. Bakit? Kasi mas mahalaga ka sakin, at kailangan ko na siguro siyang hayaang maging masaya sa buhay na walang sam. :)

Isa pang pagsubok ay ang nakaraan mo. Pagdating sa respeto, ang taas ng binigay ko sakanya. Siyempre, kaibigan ko rin siya at alam kong mabaet siyang tao. Sa totoo nga'y natuwa talaga ako kasi nung nagchat kami, napakaopen pa niya kahit na ganun yung usapan namin (ano yung usapan? Secret na malupet! :)) Pero maya't maya, nalaman ko ang mga bagay na siyempre, kagulat gulat :o. Basta yun yun. Pero alam mo naman at alam ng lahat ng kaibigan ko na kahit kailan, hindi ko siya binackstab. Kahit kailan, hindi ko tinira ang kaisa-isang taong alam kong labis mong nasaktan (oo, sa away ninyong dalawa, ikaw yung gago :P) kasi alam ko pinagdaanan niya. Masakit, parang hindi na kakayanin. Siyempre, ganun ako dati. At ang mga status ko sa facebook ay para kay Mark, hindi sa kanya (wala, fyi lang :D). Hindi ako lumaban, ayoko ng away. Pero para sa mga kaibigan niya, ako ang kontrabida. Ako ang masama. Ako pa naman yung tipo ng taong pinahahalagahan ang opinyon ng iba, kaya sobra akong nasaktan sa mga ito. Kahit kelan talaga, hindi ko siya pinag-isipan ng masama. Sa totoo nga, ikaw pa yung inaaway at sinisisi ko noon diba? :P Hindi ko alam ang panig niya sa kwentong ito, pero kahit na rinerespeto ko pa rin siya, isa lang ang napatunayan ko- hindi siya mabaet. Lalong lalo na sakin.

Pero alam mo kung ano napagtanto ko? Na sa kabila ng lahat ng pagsubok, gusto ko andito ka sa tabi ko. Hindi tulad ng dati na ang mga minahal ko ay nakapagpaligaya sakin at nagawa akong mas mabuting tao, ngayon, gusto ko ako naman ang ganun sa'yo. Gusto kong malaman mong mahal kita, kahit hindi pa lubos lubos, oo mahal kita. At paunti-unti itong lumalaki. Naging mas mabuti akong tao sa kamay mo. Sabi nga ng Westlife, you bring out the best in me like no one else can do, that's why I'm by your side, that's why I love you. Lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko. Kasi tanggap mo ako bilang ako. Napagtanto ko din na bilang tao, amazing ka :) (teka lang putcha, pwede magEnglish break? :D) You have touched other people's lives so much without them even noticing. :D Kasi nakikita ko sa'yo ang sobra mong pagpapahalaga, at ang intensyon mong mapasaya ang ibang tao at maging isang indibidwal na hinding hindi nila malilimutan :P Nakakatouch na isa ka sa mga dahilan kung bakit nagtuturo pa rin si ma'am barro. Example lang yun :) At sa mga kaibigan mo, I'm proud to have you kasi nakikita ko na sobrang bait mong kaibigan sa kanila. Ipinapangako ko na sa relasyong ito (Kilig.) hindi ka talo :P Kung may mali man, mali nating dalawa yun. Kung may nakamit ka man, achievement nating dalawa yun. Para sweet. Para cool. :)

At ngayon, hindi ako makagetover :) Iniisip ko lahat ng adventures natin. Ang mga pasimpleng plano na school-bahay lang ay nauuwi sa kung saan-saan pa. Ang city count natin ngayon ay 7, at sana madagdagan pa ito. :) Sana hindi ka magsawa sa mga adventure nating unexpected. Alam kong mahal ang pamasahe. Pero mas mahal kita :>

0 comments:

Post a Comment